E-session Teaser (Bohochic and Romantic Gothic)

Bohochic

 

 

Romantic Gothic

 

 

Photographer:  She&Him Photography

HMUA: Berny Tia of Style Me Beautiful

Stylist: S of She&Him Photography

Venue: Alpadi Estate, Antipolo City

E-Session Photographer: Booked!

Yesterday, we went to We’re Engaged! Bridal Fair 2012 at PICC. Our aim was to check for photobooth suppliers and to visit Berny Tia of Style me Beautiful (my very talented, sweet and caring HMUA).  Anyway, we cannot find a photobooth supplier, di pasok sa budget namin ni Dennis.

While checking out other suppliers, we saw She&Him Photography‘s booth. Nung time na yun may tao sa booth nila so I told Dennis na si Sheena yung girl na nasa side.

Then, biglang sinabi ni Dennis, “Kilala natin sya e.”

Me, “Huh? Natin?”

Dennis, “Siya yung sa SPi”

Then, biglang nag-sink-in sakin yung sa VMV namin. :p Siya pala yun! Kaloka lang, di ko sya naalala nun (Halatang di nagbigay attention. 😀 ) So same company pala kami pero di ko alam diba?! Haha! Ako na talaga di matandain sa faces. 😀

Anyway, kinausap namin saglit si Sheena then we told her na babalik kami. Nag-ikot-ikot muna kami, then nung bumalik kami, sobrang sure na ako na kunin sila for prenup. However, may konting problema dun since on a budget kami. Dennis was thinking na, wag na kami mag prenup photos dahil kasama naman sa video package namin with Aisle 1401 yung prenup. At dahil makulit ako at cute (kapal mukha) bumigay na si Dennis na magpabook kami for prenup! At marami pang dahilan: Una, magaganda yung shots ng She&Him. Raw photos pa lang maganda na!; Pangalawa, sobrang sulit ng rates nila sa fair! 3k only for prenup,  no OOT charges (except sa pamasahe or gas syempre), no time limit sa prenup! Ang saya lang! Pangatlo, eto yung isa pa tinitignan ko, dapat talaga at ease ako sa kausap ko. At ganun na feel ko nung kausap namin si Sheena. I like her na. 😀

After namin mabook si Sheena, kitang-kita ni Dennis na super happy ako. Medyo napatalon pa nga, kasi we have a prenup photo na! 😀

Our Kwento (Love Story kuno)

Our kuwento:

Diana : We met 3 years ago at our workplace. Both of us our in different shifts, Dennis was in a long distance relationship (I never knew then) and I was single and not really looking for a relationship. November 2009 was our first conversation and he helped me on my work tasks.

Dennis: I thought she is beautiful & umm… laki ilong

On January 2010…

Diana:  I was online and he messaged me through Facebook

Dennis: I decided to get to know her when she went online, I messaged her.

On March 2010…

Diana: Dun na nagsimula, lumipat sha sa shift naming, nagpapacute sha (beautiful eyes) lagi, nasa tabi ko. Parang manliligaw na hindi (Kaya sobra ako nalito nun).

Dennis:  Mula noon, sumasabay na ako sa pag-uwi nya at sa lunch breaks, kulang na nga lang manligaw ako (di kasi ako marunong). First gala naman is sa Borawan, b-day ni Diana nun, magkatabi kami at masayang Masaya ako nun.

Diana: At the time sobrang happy din ako and I know na fa-fall din ako

On May 2010…

Cagbalete, Quezon

Diana: Dun na sure ko sa love ko na sya and feel ko di sya ganun ka sure.

Dennis: First kiss naming dun naganap, pero tama nga si Diana, naging magulo rin ako at the time…

Diana: Kasi napaka reserve nya. Saming dalawa, mas seryoso sya parang dapat sure na sure sya. – in short sha ang umaarte samin dalawa

Then, after nun, lagi na kaming nagpaplan, dalawa. We were not together, pero sa mga lakad, sa Bohol, sa Zambales magkasama kami. Parang gumagawa kami reason to be together.

Moving forward to September 2010…

Cagbalete, Quezon (dalawa na lang kami bumalik)

Dennis:- nagtanong ako, its’ official, kami na! –, at sinagot nya ako (tagal noh? hehe)

Nagpatuloy ang kagawian namin… mag gala!

CDO-Bukidnon – October 2010 (rafting & ziplining)

Bird watching at Candaba – October 2010

Surfer’s break at la Union – November 2010

Trek at Batulao – November 2010

Trek at Manabu Peak – January 2011

Trek at Manalmon – January 2011

Hot Air Balloon Festivities at Clark, Pampanga – February 2011

Dipolog – Dapitan – Dakak – March 2011

La Union vacation again – April 2011

Nagsasa Cove, Zambales – June 2011

Sandbar Island beach at Iloilo – July 2011

Cebu- Dumaguete vacation – August 2011

Calaguas, Camarines Norte – September 2011

Dennis: Nung Augus, nagsimula na akong maghanap ng engagement ring. I decided to pop the ‘question’ on December 2011

Ang eksena eh sa bahay ni Diana, nagluluto sha ng spaghetti sauce sa isang malaking kalan at ako nakaupo sa likod nya, tinanong ko sa kanya if “will you marry me?” – pero wala sha narinig, pabulong ko ata sinabi (hehe), kala ko mahuhulog nya yung kawali! Shock sya pero nakangiti… sumagot naman sya ng ‘oo’.

Our engagement story…

December 31, 2011

 

Engagement Ring

Dennis: (Tinatawag ako)
Me: (Nagluluto pero tumingin sa kanya. Nakita ko na nakaupo sa tabi ko at ayun nakita kong may hawak. Matagal bago ako nakagalaw. Hindi ko alam kasi sasabihin ko. Hindi ko na in-expect na mangyari pa yun. Kasi nga “nagpropose na sya sa daddy” ko nung December 25.   Kalat na kalat na nga sa FB world 😉 eh! Sa isip ko totoo ba to?!) 

 

… after a minute or two
Me: Ano sabi mo? Tanungin mo ako?
Dennis: Will you marry me? (Wala akong marinig na voice)
Me: (Tumango lang yata. Parang naputol dila ko eh. Gusto ko kaya sya i-kiss pero nandun lola ko sa malapit, so wag na lang…)

 

Before the year ended, he surprised me again! He made me kilig. . .♥ I was not really expecting the ring. Actually before we announced that we are engaged, I already told him not to give me a ring. I made him promise eh! I was thinking that “sayang yung pera, kahit na I want it!”. We were already talking about getting married and we’ve decided that we just have to ask for my parent’s permission (especially my dad’s).

Then, we were already planning and eventually asked for my dad’s permission :). I am so happy however, deep inside I was thinking (I really hope he proposed!). Don’t get me wrong, hindi naman porket naisip ko na sana nagpropose sya nalungkot ako (medyo lang?haha!). Of course, feeling ko naman hindi lang ako ang ganito, but most girls ay nangarap na may magpropose sa kanila. Will you marry me? Will you be my wife?– naimagine ko na dati sasabihin ko pag tinanong nya na ako eh! 😉

Pero nawalan na ako ng pag-asa na gagawin nya pa yang proposal dahil nga nag-announce na kami. Actually, yesterday I asked him na to propose! I told him na hindi ko naman need na engrade proposal (like nakavideo and ring), I just want to be asked. He said yes he will ask me, but feeling ko naman hindi rin nya gagawin. He is sweet pero alam ko na prang di sya yung tipo ng lalaki na magpropose pa. Hindi kasi sya yung may arte arte (tama ng ako na yung maarte saming dalawa :)).

Yun pala, before I asked him to do that, he already had a plan to propose this New Year’s Eve. Kaya pala samin sya magbabagong taon! Nagtataka ako nung sinabi nya eh, nagtanong pa nga ako if ok lang sa kanila. At oo naman daw!

Up to now, I am still in heaven because of what he did. I was really surprised and so happy!

So there you go, ang mahabang kwento ng aming engagement! . ♥